Martes, Marso 6, 2012

ISANG DIPANG LANGIT ni Amado V. Hernandez

Ako'y pniit ng linsil na langit
hangad palibhasang diwa koy pilitin,
katawang marupo, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na;t maithiin ay supil


Ikinulong ako sa kutang malupit;
bato bakal punlo, balasik ng bantay:
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay


Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha ,
maramot na birang ng pusong may sugat
watawat ng aking pagkapariwara.


Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’y walang makalapit
sigaw ng bilanggo sa katabing muog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.


Ang maghapo’y tila isang tanikala
na kalakaladkad ng paanang madugo,
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo.


Kung minsa’y magdaan ang payak na yabag,
kawil ng kadena ang kumakalanding;
sa maputlang araw saglit ibibilad,
sanlibong aninong inilwa ng dilim.


Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang
sa hudyat--may takas!--at asod ng punlo;
kung minsa’y tumangis ang limang batingaw,
sa bitayang muog, may naghihingalo


At ito ang tanging daigdig ko ngayon--
bilangguang mandi’y libingan ng buhay;
sampu, dalawampu, at lahat ng taon
ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.


Nguni’t yaring diwa’y walang takot-hirap
at batitis pa rin itong aking puso:
piita’y bahagi ng pakikilamas,
mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.


Ang tao’t Bathala ay di natutulog
at di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may Bastilya’y may bayang gaganti.


At bukas, diyan din, aking matatanaw
sa sandipang langit na wala nang luha,
sisikat ang gintong araw ng tagumpay . 




In this work of Amado V. Hernadez entitled Isang Dipang Langit,  prisoned life was being emphasize. Knowing Amado V. Hernadez, his works; Mga Ibong Mandaranggit at Luha ng Buhaya which is shaped from his experiences as a guerilla, labor leader, and a political detainee are the same with this poem; conceptualized from the injustice and cruelty of the society if not the government. Theme on social level and nationalism is distinct on his work. Injustice, anxiety, and tragedy are reflected from this poem. This poem can also be classified as post-colonial because it reflects the ideas of the author after going through transitions of government. on the lines; "Ang tao’t Bathala ay di natutulog/at di habang araw ang api ay api,/tanang paniniil ay may pagtutuos,/habang may Bastilya’y may bayang gaganti.we can notice that the author speaks of revenge not only to a prison guard, nor police nor to a jugde. he speaks of revenge to those country that colonizes us. observing the last line, it said there that may bayang gaganti, It pertains to our nation and that we will take revenge on due time. Neverthelees, it is a well written poem, it fully conveys what the writer wanted to tell us on a less darker concept and it attacks deeply to the mind and heart of the reader.

1 komento:

  1. Ang linyang:

    Ang tao’t Bathala ay di natutulog
    at di habang araw ang api ay api,
    tanang paniniil ay may pagtutuos,
    habang may Bastilya’y may bayang gaganti.

    ay isang malalim na paghahalintulad sa Bastilyo ng Prances na kumakatawan sa malabis na pagmamalupit ng sinaunang monarkiya. Ito ay naglalarawan sa pagsunog ng mga preso at api sa Bastilyo kung saan sila ay nakapiit, na bagamat kulang sa bilang - ang ganti ng api ay may dulot ng pagtatagumpay sa huli.

    - Rolly E.

    TumugonBurahin